Contact Us

G

gmanetwork.com

@gmanetwork 5 hours ago

Bimby Aquino, malaking kunsiderasyon si Josh sa paghahanap ng love life

Naging emosyonal si King of Talk Boy Abunda nang balikan ang napag-usapan nila ni Bimby Aquino, ang bunsong anak ni Kris Aquino, tungkol sa kaniyang Kuya Josh. Si Kris Aquino ang isa sa special guests ng batikang host sa kanyang birthday week sa Fast Talk with Boy Abunda. Pagbabahagi ni Boy, "She talked about how generous, how pure Josh is. She spoke about how Bimb stayed with her in this journey." Ayon sa batikang host, sa pagtatapos ng kaniyang interview sa Queen of All Media ay sumama si Bimby. Dito, naging emosyonal na si Boy nang balikan niya ang mga sinabi ng bunsong anak ni Kris tungkol kay Josh na may special needs. Ang nakaka-touch din, si Bimb. When he spoke about Josh, sabi niya, the kindest, most generous, 'I will only marry a girl who can accept kuya. Because I know that one day, when mama is gone, I will take care of him.' Nakaka-proud, sabi ni Boy. View this post on Instagram A post shared by Kapuso PR (@kapusopr) Nagbahagi rin umano si Bimby ng mga posibilidad sa kaniyang buhay at karera. Sa katunayan, sabi ni Boy, dapat abangan ang sagot ng young star sa kaniyang huling tanong. You should watch out for my last question, I said, 'When you turn 40, 45, do you see yourself as president of this country?' Bantayan n'yo 'yung sagot, sabi ni Boy. TINGNAN ANG PAGKABINATA NI BIMBY SA GALLERY NA ITO: Kamakailan lang ay naging laman si Josh ng mga balita dahil sa mga komento ng Machong Chismisan hosts. Pag-amin ni Boy, pinili niyang 'wag nang banggitin kay Kris ang naturang kontrobersiya, pero in-acknowledge naman niya ang paghingi nila ng paumanhin. Maganda naman na nag-apologize because that's acknowledging our wrongdoing. Pero may mga pagkakamali that fall under the law at hindi ko 'yan panghimasukan. Ngayon na may kaso ang NBI laban sa kanila, tama lamang na nag-apologize sila dahil marami ang nasaktannasaktan kayo, nasaktan ako, sabi ni Boy. Pagpapatuloy pa ng King of Talk, And thank you for realizing that what you did was wrong. You mocked and insulted a young man who has no power to fight back. Pero tama lang, thank you for apologizing. Related gallery: Is Bimby Aquino Yap ready to enter showbiz?

read more