G

gmanetwork.com

@gmanetwork 8 hours ago

Babae, magsisilang ng conjoined twins sa 'Magpakailanman'

Masusubukan ang tatag ng isang ina sa bagong episode ng real-life drama anthology na 'Magpakailanman.' Pinamagatang "Magkadikit na Kambal," kuwento ito ni Maricel na ina ng isang pares ng conjoined twins. Ipinanganak na magkadikit sa ulo ang kambal niyang sina Maurice at Klea. Maraming hamon ang haharapin ni Maricel at ng kanyang pamilya dahil sa pambihirang kondisyon. Paano mabibigyan ni Maricel ng magandang kinabukasan ang mga anak? Abangan ang brand-new episode na "Magkadikit na Kambal," October 24, 8:15 p.m. sa 'Magpakailanman.' Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network. I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV. Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:

read more

Other Headlines