gmanetwork.com
@gmanetwork Thu, 29 Oct 2026 17:28:00
Tutor, makikilala ang tao sa likod ng 'catfish' photos sa 'Regal Studio Presents: I Remember You'
Isang kuwento tungkol sa "catfishing" ang tampok sa weekly anthology series na Regal Studio Presents. Ang "catfishing" ay ang paggamit ng litrato ng ibang tao para makapangloko online. Sa episode na pinamagatang "I Remember You," maka-catfish ang teacher na si Marby (Arra San Agustin) gamit ang mga picture ni Kyle (Juancho Trivino). Kaya ganoon na lang ang panghihinayang ni Marby dahil tinanggihan niya ang isang job offer sa ibang bansa para sa taong akala niyang si Kyle. Para makabawi, nagsikap siya sa kanyang peanut butter business at nag-o-offer ng private tutoring. Sa pambihirang pagkakataon, makikilala ni Marby ang tunay na Kyle dahil tatay pala ito ng isa sa kanyang mga estudyante. Ito na ba ang pagkakataon para magkakilala si Marby at ang tunay na Kyle? Huwag palampasin ang "I Remember You," November 1, 1:40 p.m. sa 'Regal Studio Presents.' Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream. Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:
read moreOther Headlines
Right Column Content