G

gmanetwork.com

@gmanetwork Thu, 05 Nov 2026 11:04:09

Babaeng nangungulila, sa bus pala makikita ang ama sa 'Magpakailanman'

Base sa isang viral story na umantig sa mga Pinoy ang bagong episode ng real-life drama anthology na 'Magpakailanman.' Tampok ang chance encounter ng isang babae at tatay niyang hindi niya nakita sa loob ng 20 taon sa unang 24th anniversary special ng Magpakailanman. Pinamagatang "Mag-ama, Reunited sa Bus," kuwento ito ni Jinky (Caprice Cayetano) na pinalaki ng isang single mother kaya nangungulila sa kanyang ama. Sa hindi inaasahang pagkakataon, makikita niya ang tatay niyang si Jandy (Neil Ryan Sese) nang magkasabay sila sa biyahe sa isang bus. Ano ang kahihinatnan ng unexpected reunion ng mag-ama? Abangan ang brand-new episode at unang 24th anniversary special na "Mag-ama, Reunited sa Bus," November 7, 8:15 p.m. sa 'Magpakailanman.' Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network. I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV. Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:

read more

Other Headlines