G

gmanetwork.com

@gmanetwork Tue, 10 Nov 2026 02:12:10

Aiza Marquez, kumusta ang relasyon sa 'TGIS' co-stars na sina Anne Curtis, Dingdong Dantes?

Maraming artista ngayon ang pinasikat ng '90s teen-oriented TV show na 'T.G.I.S.' at isa na dito si Aiza Marquez na dating parte ng batch 3 ng stars ng naturang programa. Sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nitong Lunes, November 9, binalikan ni Aiza Marquez ang mga kasabayan niya noon sa teen-oriented show, kabilang na sina Anne Curtis, Chubi del Rosario, at Vanna Garcia. Ngunit kahit batch 3 na, naabutan pa rin umano nila ang naunang stars katulad nina Dingdong Dantes, Bobby Andres, Dino Guevarra, at Kim delos Santos. It's so weird to say na nami-miss mo 'yung set na paumagahan. Tipong magpapahinga ka lang, uuwi ka lang ng bahay para maligo for a bit, and then babalik ka na sa set, sabi ni Aiza. Sa kabila ng pagiging busy, masaya naman umano ang panahon ni Aiza sa naturang show. Alamin kung kumusta ang naging bonding nila ng kaniyang co-stars at kung ano ang masasabi ng nagbabalik-aktres tungkol sa kanila sa gallery na ito:

read more

Other Headlines