gmanetwork.com
@gmanetwork Wed, 11 Nov 2026 08:11:24
Magandang babae, masusunog ang mukha sa 'Magpakailanman'
Isang kuwento tungkol sa pagtanggap sa sarili ang bagong episode ng real-life drama anthology na 'Magpakailanman.' Pinamagatang "Sunog na Mukha," ito ang pangalawanag 24th anniversary special ng Magpakailanman. Tungkol ito kay Rhea (Bianca Umali), magandang babae na masusunog ang mukha dahil sa naiwang gasera sa bahay. Dahil dito, magtatamo siya ng matinding mga peklat sa mukha at mahihirapan siyang maibalik ang kanyang self-confidence. Nagsisilbi pang mapait na paalala ang mukha ng kanyang kakambal na nananatiling maganda at makinis. Paano matatanggap ni Rhea ang kanyang sunog na mukha? Abangan ang brand-new episode at pangalawang 24th anniversary special na "Sunog na Mukha," November 14, 8:15 p.m. sa 'Magpakailanman.' Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network. I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV. Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:
read moreOther Headlines
Right Column Content