gmanetwork.com
@gmanetwork Wed, 11 Nov 2026 09:11:49
Andrea Brillantes, sa maagang pagpasok sa showbiz: 'I sacrificed my childhood'
Aminado ang aktres na si Andrea Brillantes na bilang child star, marami ang nawala sa kaniyang pagkabata. Ngunit kapalit naman nito, marami rin siyang nakuhang magaganda karanasan na ini-enjoy niya ngayon. Sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nitong Biyernes, October 30, binalikan ni Andrea ang kuwento ng audition niya noon sa GMA series na 'Marimar,' na pinagbibidahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Aniya, three or four years old pa lamang siya noong una siyang nag-audition. Kaso noong time na yun, mahiyain pa 'ko and hindi pa 'ko masyadong nakakasalita sa harapan ng maraming tao, lalo na noong nakita ko si Miss Marian. Tingin ko, super na-starstruck ako at nakalimutan ko na po lahat ng lines ko nun, sabi ni Andrea. Ito raw marahil ang dahilan kaya hindi siya nakuha. Ngunit noong mag-nine years old, nakuha naman niya ang kauna-unahang GMA project niya, ang 'Cielo de Angelina.' Sa kabila ng tinatamasa niyang kasikatan at magagandang proyekto ngayon, aminado si Andrea na nagkaroon din siya noon ng tampo dahil maraming bagay siyang hindi naranasan. Alamin sa gallery na ito:
read moreOther Headlines
Right Column Content