gmanetwork.com
@gmanetwork Wed, 18 Nov 2026 05:16:31
Ethel Booba, nilinaw ang isyu tungkol sa umano'y iringan nila ni Paolo Bediones
Naging usap-usapan noon ang tila naging alitan ng 'Extra Challenge' co-hosts na sina Paolo Bediones at Ethel Booba. Matatandaan na may kumalat na diumaong pribadong video ng dalawa noong 2014 na naging mitsa raw ng kanilang galit sa isa't isa. Kaya naman, sa pagbisita ng komedyante sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nitong Martes, November 17, nilinaw niya kung ano nga ba ang tunay na nangyari. Hindi, ah. Hindi, hindi kami nag-aano. Sobrang bait ni Paolo. At tsaka hindi naman kami magkakaroon ng relasyon kasi hindi naman ako 'yung bet niya. Hindi ako 'yung type niya na magkakaroon kami ng parang quarrel, mga ganu'n, sabi ni Ethel. Sa katunayan, ayon kay Ethel, hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin sila at nag-uusap. Dahil napag-usapan na rin naman na ang naturang reality competition show, binalikan na rin ng King of Talk ang pagiging host niya noon sa gallery na ito:
read moreOther Headlines
Right Column Content