G

gmanetwork.com

@gmanetwork Thu, 19 Nov 2026 07:50:47

Transwoman, magiging animal advocate sa 'Magpakailanman'

Napapanahon ang kuwento ng bagong episode ng real-life drama anthology na 'Magpakailanman.' Pinamagatang "Mama's Cradle," ito ang huling 24th anniversary special ng Magpakailanman. Tungkol ito kay Carina, isang transwoman at animal advocate. Mada-diagnose ng colon cancer si Carina kaya iiwan niya ang magandang trabaho sa Japan para umuwi sa Pilipinas. Sa kanyang pag-uwi, pagtutuunan niya ng panahon ang kanyang pamilya at magkakaroon ng panibagong misyon sa buhay-- ang tumulong sa mga hayop na nangangailangan. Mapagsasabay ba ni Carina ang pag-aalaga sa mga hayop, sa pamilya, at sa sarili? Abangan ang brand-new episode at huling 24th anniversary special na "Mama's Cradle," November 21, 8:15 p.m. sa 'Magpakailanman.' Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network. I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV. Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:

read more

Other Headlines