gmanetwork.com
@gmanetwork Wed, 11 Nov 2026 02:11:29
Jao Mapa, Gio Alvarez, binalikan ang most memorable moments nila kasama ang fans
Bilang mga artista at heartthrobs noong '90s, hindi maiiwasang magkaroon ng memorable experiences sa kanilang fans ang mga aktor na sina Jao Mapa at Gio Alvarez. Sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nitong Martes, November 10, inamin nina Jao at Gio na malaki na ang pinagbago ng pakikitungo ng fans sa mga artista ngayon kumpara noong '90s. Like if the fans before were waiting outside, right now, with a flick of a phone, you're already connected with the artist, sabi ni Jao. Samantala, kung dati ay bumabati, nagpapakuha ng autograph o litrato lamang ang fans sa mga artista, ikinagulat naman ni Gio na ngayon ay nagpapa-cater pa ang ilan kapag birthday ng kanilang idolo. Nagulat nga ako, nag-aano sila eh. Kung birthday mo, magpapa-cater sila, ang fans. Nagugulat ako, talagang 'What?' sabi ni Gio. Ngunit pag-amin nina Jao at Gio, hindi pa ito ang wildest experiences nila sa fans dahil mas marami at mas matindi pa ang naging karanasan nila sa mga ito. Alamin ang kuwento ng '90s heartthrobs sa gallery na ito:
read moreOther Headlines
Right Column Content