gmanetwork.com
@gmanetwork Thu, 19 Nov 2026 02:26:43
Angel Castro, nilinaw ang pag-shift ng kaniyang karera sa sexy roles
Kilala bilang isang magaling na kontrabida sa GMA Network, marami ang nagulat sa biglang pagbabago ng career path ni Angel Castro nang pasukin niya ang sexy roles. Sa katunayan, matapos ang pag-alis niya sa Kapuso Network, naging bahagi na rin siya ng VMX o Vivamax. Sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nitong Miyerkules, November 18, inamin ni Angel na isa sa mga dahilan kung bakit niya pinaosk ang pagpapaseksi ay pera. Pag-amin ng aktres, napasok siya sa isang relasyon kung saan nais ng lalaki na umasa na lamang siya rito. I was doing mga investments po last year to sustain myself; he didn't want to. Pero may mga time po na kapag hindi kami okay, may nagawa akong hindi okay sa kaniya, nagugutom ako, sabi ni Angel. There was this offer that was part of the reason din why I wanted to work. He said sa 'kin, 'wag VMX. Pero sabi ko, the offer was really VMX so he just got surprised in the thick of it. Ngunit paano nga ba napasok si Angel sa pagiging isang sexy star at naging bahagi ng VMX? Alamin sa gallery na ito:
read moreOther Headlines
Right Column Content